Ipinaskil ni: sandraguinaldo | Oktubre 5, 2007

Desperate Housewives

Una, hindi ako nanonood ng Desperate Hosuewives bagamat narinig ko sa ilang kaibigan na nakakatuwa naman ang palabas na ito.

Pangalawa, dahil lahat na yata ng tao ay may opinyon tungkol sa racial slur sa palabas na Desperate Housewives, naisip kong makisali sa usapin.

Nakatutuwa ngang panoorin yung isang Congressman sa TV. Sa kagustuhang maka-ride sa isyu, binatikos ang artistang tinawag nyang “Terri Tatcher”.

Sa palagay ko, hindi talaga makatarungan na pagdudahan ng naturang palabas ang kakayanan ng mga doktor na nagtapos sa Pilipinas.

May magagaling na medical schools sa Pilipinas. Yun nga lang, wala na yatang nag-aaral dahil lahat nursing na ang kurso!

Magaling din ang mga doktor na pinoy. Yun mga doktor nga sa malalayo at mahihirap na probinsya, nakakapagpagaling pa kahit kulang sa pasilidad ang maraming ospital sa bansa.

Sa Amerika, nakasama ko ng ilang araw yung mga pinoy na doktor na naging nurse. Nakita ko na minsan, hindi na nga nila trabaho ginagawa pa. Pasensyoso sila sa mga pasyente at laging naka-duty kahit holiday (pandagdag din kasi sa padala sa pamilya sa Pilipinas at pambili ng mga bagay na ilalagay sa balik-bayan box).

Meron din namang naniniwalang tama naman ang impormasyon sa Desperate Housewives. Masakit lang daw talagang marinig ang katotohanan.

Sa isang banda naman, may pagka-racist din ang ilang pinoy. Alam yan ng mga “Bumbay” (tawag natin sa mga Indian nationals) at mga “intsik”. Ano na nga ba yung sinabi ng isang senador?

Minsan nga tinatabla natin pati kapwa Pilipino. Magsalita kayo, mga Bisaya!

Tingin ko, mas nakakabahala na meron palang pagtingin na ganun sa ating mga doktor ang ilang dayuhan. Totoo man ito o hindi, ang mas mahalagang tanong bakit ganun ang tingin nila sa atin?

Ayos lang na magalit, pero lawakan din natin ang ating pananaw.

Advertisements

Responses

  1. Tama ka Ms. Sandra – magandang tanong iyan. Bakit tayo binabatikos ng ganon? Mahirap ding tanggapin na ang pagkakamali ng isa (kung meron man), ay pagkakamali ng lahat.

    (….dumaan galing kay Kurokuro…..)

    🙂

  2. hi sandra. nasabi sakin ng misis ko ‘tong blogsite mo minsang nanonood kami ng i-witness. di rin ako nanonood ng desperate housewives, pero judging don sa video clip na napanood ko, di pa rin pumapasok sa sistema ko na biro un. ano ba ang humor? pedeng depensa na humor un dahil wala namang ‘moral sphere’ ang humor, basta’t may element of surprise, absurdity, e humorous na. san ba ang boundary ng humor at insult? humor is largely cultural. depende din sa atmosphere. kung ang nagsabi no’n ay isang pinay sa isang lokal sitcom, we won’t take offense to it. una, we share a kindred spirit to the person talking [cultural], saka ang impression natin is alam nya ung sinasabi nya[atmosphere] , hindi parang isang sweeping generalization tulad ng nangyari sa desperate.

    bakit hindi nakakainsulto ang rush hour 3 e andaming mala-‘racist remark’ dun. tingin ko dahil pati ung mismong bida [chris tucker] e tinitira din ang sariling lahi, kaya na-build ung unspoken rapport with the audience [atmosphere]. kaya nga bad trip ako dun sa isang fil-am cast ng desperate na nagsabing ‘mas maraming malalaking problema ang pinas para pagtuunan ng pansin ang isang tv remark’ dahil hindi naman excuse ung pagiging mahirap natin para dedmahin lang ung pang-iinsultong ganun.

    sana may episode din kaming mapanood sa i-witness [chiswisang baklush was fun though] exploring the boundaries of what’s humorous and what’s not. haba ng post ko. mukang di naman ako masyadong apekted. hehe.

  3. badoodles, apekted ka nga. hehe agree ako sayo. sabi nga ng isang kaibigan, wala silang karapatan na pagsalitaan tayo ng ganun whatever their reason was. hello sa wife mo!
    thanks scarlett

  4. aba at marunong nang magblog ang lola ko!!! at kinailangan ko pang dumaan ng technocrati para malaman… hehehe… keep on blogging ateng!

  5. Mainam nga sigurong suriin naten ang ating mga sarili kung bakit ganun ang tingin nila sa mga pinoy na doctor. Marahil maraming mga bantog na doktor sa ibang bansa at magagaling, ngunit ilang porsyento ba ito sa pangkalahatan?

  6. kilala ko yung congressman na yan, pang asar yan.

    Pati Da Vinci code sinakyan nyan e, nagmukha nga lang tanga. Congressman namin yan dito sa amin.

    Kaasar!

    Re: Desperate housewives, hehe ang dami talagang nag react about dito.

    May Okay lang para sa kanila, meron din namang umuusok ang ilong.

    Pero sige lang, tuloy ang ligaya. Wala naman tayong magagawa kung tirahin tayo ng tirahin ng mga yun, kahit mag tutumbling-tumbling tayo sa kinakatayuan natin, wala rin. Trip nila yun e.

    Gantihan na lang natin sila.

    Nung nabalitaan ko yung tungkol dyan, gusto ko gulpihin yung kapitbahay naming amerikano na araw araw na nagwawalking tuwing umaga dito.

    Kaso nung minura ko yung gago, sabi ba naman… SALAMAT PO.

    so there tumahimik na ko.

    seriously, sa tingin ko inggit na lang sila e. Kasi silang mga amerikano, nasasapawan ng mga pinoy sa states, kung utak at utak lang din naman ang pag uusapan, eh lamang tayo dyan.

    Inggit lang yan, that’s why they gave us a cheap shot.

  7. Ay ang pogi nung nasa picture…

    Yung lalake na nakasalamin.

    Hello Papapeps.

  8. haha. gel talaga. hanggang dito sa blog ng host ko o, nang-aalaska. 🙂

  9. salamat naman kahit pano eh meron na ako mababasang blog na informative.galing ako dun sa blogsite ni kuro-kuro-ko-to and ifound your blogsite.nakakatuwang isipin na dati napapanood ko lang sa t.v. ang mga tulad nyo.ngayon pwede na ako magleave ng message.hehehe kung ano ano na lang ang panlalait nila sa atin.minsan mas masahol pa sila sa atin.tingin nila sa sarili nila eh pinakamataas anyo ng tao.

  10. mashado kaseng malaganap yung DH. Tas si Teri pa yung nagbato ng linya kaya siguro ganun yung reaction ng madami. may dahilan kung bat nila nasabi yun.

    mas madami pang mas nakapanlalait sa pinoy ang ginagawa araw araw, sana pwede rin nilang ipag-ingay.

  11. nagtataka lang talaga ako kung bakit andaling magalit ng mga pinoy sa ibang bagay (gaya ng racial slurs) pero napaka-tindi naman ang pasensiya pagdating sa ibang bagay (korapsyon sa gubyerno).

    inuuna ba natin ang mukha kaysa sikmura?

  12. palagay ko po nasabi lang nila un kasi un nga madalas “daw” sa states eh nasasapawan ng mga pinoy ung mga amerikano. lalo pa pag nurse un, un pala nag-aral ng medicine. hahaha. pakealamero din kasi ung pinoy, lumalabas sa role fidelity. aun. kaya asar talaga sila hahaha.

    tamang trip kasi. hahaha amats. pero di ako affected nung nbalitaan ko un.

    gnun tlg ang buhay..

    hehe

  13. actually, magandang punto yan sir taroogs.

    mukhang napakalaki ng poblema natin sa prioritization


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: