Ipinaskil ni: sandraguinaldo | Setyembre 14, 2007

ako, si erap at ang kasaysayan

Bahagi na ng kasaysayan ang guilty verdict ng sandiganbayan kay dating pangulong joseph estrada.

Dahil ako ang naitalaga ng aming istasyon na mag-cover sa loob ng court room, siyempre pa, naghanda ako nang husto gaya ng isang sundalong naghahanda sa giyera.

Gabi pa lang inihanda ko na ang aking isusuot. Siniguro kong walang kahulugan ang kulay sa kaso ng dating pangulo.

May nagsabi kasing kapag orange, kulay ito ni erap at baka magmukhang pro-erap ka. Pag itim naman, baka magmukhang ikaw ay nakikiluksa kung “guilty” ang hatol kay erap. Kaya, nagsoot ako ng kulay dilaw.

Siguro naman walang political statement ang dilaw dahil wala namang kinalaman si Tita Cory sa kaso. Siniguro ko ring komportable ang sapatos ko at hindi masyadong mataas ang takong sakaling kailanganin kong tumakbo.

Inilabas ko ang malaki kong bag para lahat ng gamit ko nandun na at mabilis akong makakakilos. Marami rin itong secret pocket kasi bawal daw magpasok ang mga reporter ng cellphone na may camera sa loob ng court room.

Ang iba pang laman ng aking bag ay notebook, limang ballpen, research materials tungkol sa kaso, makeup, candy (sakaling antukin ako o kaya’y magutom sa loob), sandwhich (dahil sa ganitong coverage hindi sigurado kung kailan ka kakain), bottled water ( na hindi pinayagan sa loob dahil baka daw magamit itong pambato kapag nagkagulo) .

Natulog ako ng 11pm at gumising ng 2:30 am kinabukasan. Ang calltime kasi namin sa coverage at 3am para makapuwesto kami nang maaga sa loob.

Maliit lang ang court room at sa tantsa ko ay 142 ang seating capacity nito (hindi kasama ang upuan ng mga abugado ng magkabilang panig).

Napuno ito dahil sa dami ng media at marami ring bisita si Erap.

Kasama ko sa loob ang isa pa naming reporter na si Joseph Morong na magaling din mag-sketch. Dahil bawal ang camera ng mga media networks sa loob ng Sandiganbayan, meron kaming dalawang sketch artist na kinuha para lang maiguhit ang lahat ng nangyayari sa loob.

Sa labas ng court room, nakapuwesto si Ivan Mayrina at Alex Tinsay. Si Tina Panganiban-Perez at Ruth Cabal sa labas ng Sandiganbayan.

Nakakalat naman sa ibat ibang panig yung iba pang reporter gaya nina Raffy Tima, Mariz Umali, Cesar Apolinario, Jiggy Manicad at Maki Pulido. Sa dami ng mga reporter na naka-deploy, dito mo makikita na malaki talaga ang istorya.

Nang binasa ang hatol na guilty kay erap, nakita kong tumungo si Jinggoy pero deretso lang ang tingin ni erap. Lumuha naman ang asawang si Loi at mga anak ni Erap na sina Jackie at JV.

Halos 30 minutes lang ang pagbabasa ng hatol dahil hindi na pinabasa ng kampo ni erap ang buong dokumento kung saan nakadetalye ang naging batayan ng mga justices.

Nang papalabas na si Erap sa court room, dito na nagsimula ang karambola ng mga miyembro ng media. Biglang naglabasan ang mga cellphone na may video camera (akala ko ba bawal?).

Una-unahang makalapit kay Erap para makunan ito ng statement. Sa mga nagdaang coverage namin kay Erap lagi kong nalulusutan ang Sandiganbayan security kaya sinubukan ko ulit ang dati kong taktika.

Gaya ng dati, hawak-kamay sila sa magkabilang panig ng dadaanan ni erap. Ipinasok ko ang aking ulo sa ilalim ng magkahawak na kamay ng dalawang secury personnel para makapasok sa cordon pero natunugan nila ang taktika ko kaya idinukdok nila ang kamay nila sa aking batok. Pero dahil malapit na akong magtagumapay, mantakin mong may isang security na sumaklolo at itinulak ako palabas! Hindi ko matanggap na pinagtulungan ako ng tatlong lalaki! Hindi patas ang laban kaya sugod ulit ako!

Tuloy ang pag-abante ng sangkaterbang media. Malapit na kami kay erap kaya inihanda ko na ang video camera ng aking N95 (bawal kasi ang broadcast camera sa loob).

Naramdaman ng mga security na malapit nang mawalan nang saysay ang kanilang paghahawak-kamay. Maya maya pa, narinig ko na may sumigaw ng, “push”!

Sa puntong ito, sabay sabay nagtalsikan ang media at matagumpay na naipasok sa erap sa elevator paakyat sa kanyang holding room para makasama ang kanyang pamilya.

Pero sa labas ng kanyang holding room, na-interview din naman namin ito. Mas kaunti na ang media kaya maayos na nagawa ang panayam kay erap. Sabi nya, sa tingin daw nya ay “pressured” ang mga justices kaya expected na nya ang naging hatol. Plano raw nila na umapela. Sa interview na ito, kasama ko na ang aming cameraman na si Kim na nakalusot sa mga guard ng Sandiganbayan.

Pagkatapos ng interview, nakahinga na ako ng maluwag. Yun kasi ang pinaka importanteng interview sa kaganapan noong araw na iyon. Siyempre, kailangan namang marinig ang reaksyon ng taong nahatulan ng “reclusion perpetua” na pwede makulong hanggang 40 taon.

Doon ko naramdaman ang pagod at nadiskubre na may pasa pala ako sa kanang braso. Ni hindi ko alam kung saan ko nakuha yung pasa.

Pawis na pawis, gulo-gulo ang buhok at humulas na ang makeup. Ganito ang itsura ng reporter na kakagaling lang sa giyera.

Kulang sa tulog, masakit ang katawan pero masaya na naging bahagi ng kasaysayan. (END)

Advertisements

Responses

  1. Puro kantyaw ang inabot ko sa aking kaibigan amerikano dahil sa wala daw tayong disiplina…

    pinagbasehan nya yung napanood nya…ang mga reporter daw ay tulakan ng tulakan…

    Ano pa ba magagawa ko?

    Pero papatalo ba ako?

    Sabi ko sa kanya, eh gago ka pala e. kung may disiplina kami e panigurado mas asensado pa kami sa inyo. hehe

    Pinagmalaki pa nya ang mga reporter nila. Na may disiplina daw, sa pagkuha ng scoop.

    Sumagot ulit ako, “kaya pala pangit ang mga balita ninyo”. Walang laman. Walang Kwenta. Ampao. Kung ano lang ang nakikita, yun lang. They don’t dig deep.

    I guess, that’s one point for Juan Dela Cruz. 🙂

    Saka huling hirit ko pa, kaya nga walang amerikanong reporter ang kinukuha ng mga TV stations dito kasi walang wenta. Masyadong sensitive.

    Samantalang ang mga pinoy mediamen, pinag aagawan sa buong mundo.

    Yun lang yun.

    Nakakapikon talaga tong mga mestisong bangus na yan.

  2. pornstar88, ang puso mo!
    sabihin mo rin sa kanya na kasama sa tulakan yung foreign media e. antindi nga nilang maniko at mangbalya!

  3. ang ganda talaga ni Mariz Umali, hindi kumpleto araw ko pag hindi ko nakita sa 24 oras yan.

  4. wow. it’s my first time here! congratulations ms. sandra aguinaldo! i like all your documentaries in i-witness! keep up the good work! 🙂

  5. hi ms. sandra. nakatutuwa ang blog niyo, napakita ang tunay na mundo ng isang reporter, yun hindi msyado nkukuhaan ng camera… saya.:) hope to learn more from you.:)

  6. im back!
    sorry guys, it took me a while to write again.
    danzen, na pressure naman akong mag update ng blog dahil sa comment mo. hehe!
    will try my best to write often.
    thanks guys!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: